OLONGAPO CITY NATIONAL AWARDEE SA PEACE AND ORDER
PEACE & ORDER AWARD: Tinanggap ni Mayor Bong Gordon at Kgd. Elmo Aquino mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang 2004 Best Peace and Order Council Plaque of Recognition para sa Olongapo nitong ika-21 ng Hunyo 2006 sa Rizal Hall, Malacañan Palace.
OLONGAPO CITY NATIONAL AWARDEE SA PEACE AND ORDER
Tinanggap ng Lungsod ng Olongapo ang minimithing Plaque of Recognition para sa 2004 Best Peace and Order Council buhat kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañang nitong ika-21 ng Hunyo 2006.
Sa isinagawang awarding katuwang ng Pangulong Arroyo sina DILG at National Police Commission (NAPOLCOM) & National Police Office Commission (NPOC) Chairman Ronaldo V. Puno at NAPOLCOM Vice-chairperson & Executive Officer and NPOC Secretary General Commissioner Imelda M. Crisol-Roces.
Isa-isang ipinakilala ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang mga awardees kabilang si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kasama si Kgd. Anselmo Aquino na tumanggap ng plake para sa lungsod.
Matatandaan na matapos makamit ng lungsod ang Peace and Order Council Award for Highly Urbanized City category sa buong Region 3, ay naging pambato ang Olongapo para sa mas mataas na level ng kompetisyon.
Bagamat unang pagkakataon pa lamang na mapabilang ang lungsod sa prestiyosong council award partikular na sa national level ay naka-bangga na nang Olongapo ang mga malalaki at progresibong siyudad ng Makati, Bacolod, Davao at Naga.
‘’Katulad ng ating slogan na Fighting for Excellence ay hindi titigil ang lungsod sa paglaban. Dapat ay Fight to win at Fighting for excellence. Ipakita natin na ang Olongapo ay tahimik at ligtas na lugar,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Ang City Integrated Area/Community Public Safety Plan (IA/CPSP) ng taong 2004 ang isang pinagbatayan ng mga hurado, kung saan dito nakasaad ang partisipasyon ng ibat-ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP) para sa crime prevention, law enforcement at counter insurgency.
Kabilang rin ang Dept. of Justice (DOJ), Dept. of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Dept. of Health (DOH), Dept. of Social Welfere and Development (DSWD) Bureau of Fire Protection, City Disaster Management Office (CDMO) at ang mga barangay para sa civil defense.
‘’Ang pagkilalang tinanggap buhat sa Malacañang ay nagpapakita lamang na ang mga proyekto at programa ng lungsod sa peace, law and order, public safety at security ay epektibo partikular na sa pamamahala ni Mayor Gordon at sa pagkaka-isa ng mamamayan ng Olongapo,’’ wika ni Kgd. Aquino sa tinanggap na pagkilala.

City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home