Subic Cityhood, All Talks with No Bill Filed in Congress
SUBIC CITYHOOD, SA SALITA PA LAMANG DAHIL WALA PANG PANUKALANG BATAS NA NAIHAIN SA KONGRESO
Subic, Zambales. Makalipas ng higit limang buwan pagkatapos na ipasa ng sangguniang panlalawigan ng Zambales ang resolusyon bilang 2005-361 noong Disyembre 19, 2005 na humihiling kay Congresswoman Mitos Magsaysay ng unang distrito ng Zambales na maghain ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng kongreso ng Pilipinas para sa pagiging “component city” ng bayan Subic ay hindi pa rin ito naaaksiyunan.
Ang pagiging lungsod ng bayan ng Subic, isa sa mga “component areas” ng “Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)”, ay isang mainit na usapin sa mga mamamayan nito at halos sa lahat ng okasyon ay maririnig ang mainit na pagsuporta rito ng mga lokal na opisyal ng bayan at maging ng mga ibang opisyal ng lalawigan ng Zambales.
Napag-alaman ni bise gobernador Ramon Lacbain II na may naitalagang P5 milyong pondo sa opisina ng punong bayan ng Subic para sa budget ng bayan para sa taong 2006 para sa “Subic Cityhood project” kaya minabuti niya ang kumuha ng kopya ng panukalang batas sa pagiging lungsod ng bayan ng Subic upang ito ay lubos na mapag-aralan ng lahat ng sector ng bayan.
Pagkatapos na nagpadala ng opisyal na liham si bise gobernador Lacbain kay Roberto Nazareno bilang “secretary general” ng mababang kapulungan ng kongreso, sa halip na kopya ng batas ang kanyang tinanggap ay isang liham ang kanyang tinanggap na nagsasabing wala pang anumang panukalang batas ang naisampa sa kongreso na ginawaga ang bayan ng Subic bilang “component city” ng lalawigan ng Zambales.
“Nakapagtataka na mainit na ang usapin ukol sa pagiging lungsod ng bayan ng Subic at meron pang inilaang pondo para rito eh samantalang wala pa naman palang panukalang batas na naihain tungkol dito. Sumulat na ako sa Commission on Audit para alamin kung tama ba ang paggamit sa pondo ng munisipyo para “Subic cityhood project” kung wala pa naman panukalang batas ukol dito, ayon kay bise gobernador Lacbain na isang taal na residente ng bayan ng Subic.
Asang-asa na ang mga taga Subic sa pagiging lungsod ng bayan subalit ni sa “first base” pala eh wala pa. Natapos na ang ikalawang sesyon ng ika-13 kongreso ng Pilipinas noong June 9, 2006 na wala pa ring naisampang panukalang batas ukol dito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home