BOKSINGERO NG ‘GAPO PASOK SA NATIONAL TEAM
Matapos magpamalas ng galing sa katatapos na 2006 Philippine Olympic Festival Amateur Boxing Challenge Championship na ginanap sa Tubod, Lanao, del Norte, tumanggap ang pambato ng lungsod na si Artist Martin, Jr. ng imbitasyon mula sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) upang mapabilang sa national training pool.
Si Martin, Jr., labingsiyam (19) na taong gulang buhat sa Brgy. Barretto ay nakakitaan ng bilis at lakas ni ABAP President Manuel T. Lopez. ‘’He has the potential to give the best for our country,’’ bahagi ng liham na ipinadala niya kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa pamamagitan ni Olongapo Boxing Team President Angelito Layug.
‘’Magandang balita ito para sa ating boxing champ at sa ating lungsod. Nangangahulugan lamang na epektibo ang ating mga isinasagawang Inter-barangay Amateur Boxing Competition,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
‘’Dahil nakakatuklas tayo ng mga pambato ng lungsod at ng bansa sa mga malalaking kompetisyon kaya dapat lamang na ituloy-tuloy na natin ang pag-iikot ng Amateur Boxing Competition sa ibat-ibang mga barangay,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Sa ngayon ay naghahanda na ang ABAP para sa nalalapit na 2006 Asian Games na gaganapin sa Doha, Qatar nitong buwan ng Disyembre.
Samantala, magpapakitang-gilas ang mga boxing aspirants ng Brgy. Barretto sa ika-29 ng Hulyo 2006 kung saan gaganapin ang 2nd leg ng Inter-barangay Amateur Boxing Competition matapos ang matagumpay na opening salvo sa Brgy. Sta Rita nitong buwan ng Hunyo 2006.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home