Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, July 20, 2006

MAYOR BONG, FIRST LADY ANN “TO THE RESCUE” NG YOUTH CHOIR

“To the rescue” si Mayor James “Bong” Gordon Jr. at First Lady Ann Gordon sa Olongapo City Youth Choir kaugnay ng biyahe ng grupo papuntang Xiamen, China para sa World Choir Games.

Gipit sa pondo ang grupo at ilang araw na lamang bago ang takdang alis na 15 July ay malaki pa rin ang kulang sa kailangan para sa pasahe, visa, food at accommodation ng 27 kataong delegasyon.

Kahit may nauna nang P15, 000 kontribusyon, kumilos pa si Mayor Gordon at sa tulong ng bagong talagang City Fiesta Committee Chair First Lady Ann, nabuo ang halagang P360, 000 na tinanggap ni Olongapo City National High School (OCNHS) Principal Helen Aggabao sa City Hall habang nakamasid ang mga kasapi ng Choir na pawang OCNHS students.

“Ipakita n’yo ang galing ng mga taga Olongapo. Ibangon n’yo ang pride ng mga Filipino sa larangan ng sining at maging buhay na halimbawa kayo ng ating slogan sa Olongapo: ‘’Fighting for Excellence!” Mensahe ni Mayor Gordon sa grupo.

Ang Olongapo Youth Choir ay sasabak sa World Choir Games sa China kung saan may 400 choirs mula 70 bansa ang magtatagisan ng galing sa sining ng pag-awit.

Iniabot ni Mayor Bong Gordon ang tsekeng nagkakahalaga ng P 360,000 kay OCNHS Principal Helen Aggabao (kinakamayan ni Mayor Gordon) kasama ang bumubuo ng Olongapo City Youth Choir sa FMA Hall nitong ika-13 ng Hulyo 2006. Kasama rin sa larawan sina First Lady Anne Marie Gordon at City Schools Superintendent Ligaya Monato.
Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012