Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 28, 2006

SEMINAR-WORKSHOP PARA SA MGA BARANGAY OFFICERS

Isang buong araw na nagsama ang mahigit isandaang (100) mga kinatawan ng barangay nitong ika-24 ng Hunyo 2006 sa FMA Hall ng City Hall.

Sa isinagawang Enhancement Seminar-Workshop on Katarungang Pambarangay ay nagtipon ang mga barangay secretary, lupon members at chief tanod ng walong barangay na kabilang sa 1st batch ng workshop.

Sa pangunguna ni Olongapo City Liga ng mga Barangay President Kgd. Carlito Baloy ay nakiisa ang mga kinatawan buhat sa Brgy. Asinan, Banicain, Barretto, Gordon Heights at East Bajac-Bajac.

Kasama rin ang mga barangay ng East Tapinac, Kalaklan at Mabayuan na matamang nakinig sa mga resource speakers na kinabilangan ni Atty. Raymond Viray buhat sa City Prosecutors Office.

Kinatawan naman buhat sa Department of Interior & Local Government (DILG) na sina Gilbert Cardona, Honorio Castillo at City Director Eliseo de Guzman na nagwikang ang pulong ay upang i-review at magbigay ng guidelines upang maayos na naipapatupad ang katarungang pambarangay.

Si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na panauhing pandangal ng workshop ay sumentro ang mensahe sa galing ng Brgy. Barretto, Old Cabalan at Sta Rita.

‘’Gawin nating pattern ang mga pagkilalang tinaggap ng Barretto, Old Cabalan at Sta Rita na nagbigay karangalan sa Olongapo,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Tulungan natin ang ating hukom. Kung kaya na rin ng ating barangay na ayusin ang isang kaso ay gawin na natin upang hindi nagkakaroon ng traffic sa City Prosecutors Office,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

‘’Yan ang sikreto ng Brgy. Barretto kung bakit sila patuloy na tumatanggap ng Lupong Tagapanayapa Incentives Award (LTIA) dahil sa barangay level pa lamang ay tinututukan na nila ang mga ‘di pagkakaunawaan,’’ ayon pa kay Mayor Gordon.

Samantala, ang ika-31 ng Hulyo 2006 ay susunod naman ang 2nd batch o ang huling siyam (9) na barangay na sasailalim rin sa kahalintulad na workshop.

Matamang nakikinig kay Mayor Bong Gordon ang mahigit 100 barangay officers ng walong (8) barangay na kabilang sa 1st batch na sumailalim sa Enhancement Seminar-Workshop on Katarungang Pambarangay nitong ika-24 ng Hulyo 2006 sa FMA Hall. INSET: Pinangunahan ni Mayor Gordon ang seminar-workshop kasama sina DILG City Dir. Eliseo de Guzman at ABC Pres. Carlito Baloy.

City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012