Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 31, 2006

Experimental Number-Coding Scheme Para sa Yellow Jeepneys, Inilatag

Nagsagawa ng open forum sa pagitan ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) at ng operators ng J-01 at J-o11 yellow jeepneys sa FMA Hall nagyong ika-31 ng Agosto, 2006.

Sa atas ni Mayor James Bong Gordon Jr. ay inilatag ni Col.Jerry Adique ang number-coding scheme na pinagralan ng OTMPS na makatutulong sa maayos na daloy ng trapiko sa Rizal Avenue hanggang R. M. Drive.

Ang experimental number-coding scheme na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakatakdang araw sa mga jeepneys base sa kanilang body number. Ayon sa iskemang ito, 50 jeepneys ang magpapahinga sa pagpasada sa isang araw upang gumaan ang daloy ng trapiko. Isang day-off ang ibibigay sa mga yellow jeepneys sa isang linggo upang mabigyan ng pagkakataon na macheck-up ang kondisyon ng mga jeepneys at makapagpahinga ang mga drivers.

Nabuo ang konseptong ito sa layunin na mapabuti ang daloy ng trapiko at mapaganda rin ang kita ng mga drivers at operators. “ Mas lalaki ang pagkakataon nyong kumita ng malaki kung aayusin natin ang schedule ng pagpasada ng mga jeepneys,” wika ni Col. Adique sa mga operators ng dilaw na jeepneys.

Nagbigay ng mensahe si Mayor Bong Gordon sa nasabing pulong at pinagbigyan din ang opinyon ng mga operators. Malaya namang nakapagparating ng mga hinaing ang mga operators.

Samantala, ayon sa napagkasunduan ng OTMPS at ng mga operators, ipatutupad ang experimental number-coding scheme upang masubukan ang effectiveness nito sa lansangan.

Para sa mga paglilinaw at karagdagang detalye sa itatakdang araw ng implementasyon ng iskemang ito makipag-ugnayan lamang kay Col. Jerry Adique sa OTMPS sa Olongapo City Hall.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012