‘GAPO WAGI SA KALASAG
Muling kinilala ang Lungsod ng Olongapo dahil sa angking-galing at natatanging pagganap nito sa disaster management and emergency situations.
Sa ngalan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay tinanggap ni Disaster Management Office (DMO) Head Angie Layug ang plake kasama ang ilang bumubuo ng City Disaster Coordinating Council (CDCC).
Isinagawa ang awarding sa AFP Commissioned Officers Country, Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City nitong ika-28 ng Hulyo 2006 kung saan mismong si Secretary of National Defense and NDCC Chairman Avelino J. Cruz, Jr. ang nag-abot ng dalawang (2) plake.
‘’Olongapo City Fire Rescue Team exhibited excellence in implementing disaster management programs, disaster relief operations and humanitarian assistance initiatives,’’ mensahe ni Sec. Cruz.
Ang lungsod ay una nang kinilala ang galing bilang 2002-2003 Gawad Kalasag National Awardee at sa kauna-unahang pagkakataon ay ‘wagi pa rin ito sa pamamagitan ng Olongapo City Fire Rescue Team para sa kategoryang Best Government Emergency Responders (GOERS) ng Gawad Kalasag Awards 2006.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ‘wagi rin ang kaisa-isang nominee ng lungsod na si Olongapo City Fire Rescuer Abraham T. Abiertas para sa kategoryang Heroic Act Emergency Response and Rescue Operations dahil sa walang takot nitong pagsuong sa anumang sakuna.
Ang pagkilala ay iginawad kaugnay sa selebrasyon ng bansa sa National Disaster Consciousness Month. Bawat-taon, ang NDCC ay nagbibigay parangal sa mga Local Disaster Coordinating Councils (LCDDs), humanitarian organizations, NGOs, auxiliary /volunteer groups, at international and local organizations na nagpamalas ng di-mapapantayang galing at karangalan sa larangan ng disaster management.
Ngayon, ang lungsod sa pamamagitan ng Olongapo City Fire and Rescue Team ay nanatili pa ring model responders group ng bansa na kinabibilangan ng mga miembrong may dedikasyon, kaalaman at galing sa disaster management at handang tumulong sa anumang sakuna, anumang oras.
‘’Bagamat nakamit natin ang dalawang kategorya sa Kalasag hindi sapat ‘yan para tayo ay tumigil. Ituloy-tuloy natin ang training sa ating NDCC dahil ang sakuna ay walang pinipiling panahon,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
‘’Dapat ay palagi tayong Fighting for Excellence,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home