MAGANDANG REVENUE COLLECTION, MAGANDANG SERBISYO
Tumaas ang Revenue Collectuions ng lungsod ng Olongapo kung ikukumpara ang Enero hanngang Hunyo ng taong 2005 at 2006.
Ito ang kinumpirma ni City Treasurer Marcelino Andawi. “Dahil sa pinalakas na kampanya na magbayad ng tamang buwis at pakikipagtulungan ng mga negosyante at mamamayan kung kaya’t nakapag-post tayo ng magandang revenue collections ngayong unang bahagi ng taon,” saad ni Andawi.
Partikular na tumaas ang koleksyon sa Business Permit, Building Permit at iba pang Permit Fees. Kumpara sa nakaraang taon, tumaas ng P9.9Milyon ang Tax Revenues kung saan kasama dito ang Business Taxes at P0.9M naman ang itinaas ng Non-Tax Revenues kung saan kasama ang Building Permit at iba pang permit fees.
Ipinunto ni Andawi na walang pagtataas ng buwis na ipinataw sa mga negosyante. Halimbawa, kung tumaas man ang koleksyon sa Business Permit Fee ay bunsod ito ng paghiling na ideklara ang tamang gross receipts ng mga negosyo nang sa gayo’y tamang buwis ang ibayad ng mga ito. Ang agresibong pagpapatupad din ng tamang pagbubuwis at regular na pag-iinspeksyon at pagmo-monitor ay isinasagawa ng mga departamentong in-charge sa mga permit fees tulad ng Business Permit Division at Engineering Department.
Ang balitang ito ay tinanggap na maganda ni City Mayor James “Bong” Gordon Jr. at ikinatuwa ang magandang pagtangkilik ng mga mamamayan na suportahan ang pamahalaang-lokal para sa magandang pagseserbisyo-publiko.
“Ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay pinahahalagahan ng pamahalaang lokal, at sinisigurong magagamit ito para sa mas ikabubuting pagseserbisyo, karagdagang infra-projects, beautification at tourism-enhancement programs ng lungsod, at lahat ng ito ay para sa kapakinabangan ng ating lipunan,” pahayag ni Mayor Gordon.

City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home