Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, August 05, 2006

PINABULAANAN: ANOMALYA SA ‘GAPO

“Malisyoso at mapanira,” ito ang tahasang saad ni Kgd. John Carlos delos Reyes patungkol sa artikulong lumabas sa isang national tabloid. Isang privilege speech sa Session ng Sangguniang Panlungsod nitong Agosto 2, 2006 ang pinakawalan ni Kgd. Delos Reyes na nakadirekta kay Vice Mayor Rolen Paulino at Kgd. Noel Atienza na silang sangkot sa naturang artikulo.

Ang artikulong may titulong “P27M Anomalya sa ‘Gapo, Sumingaw” ay lumabas sa Pilipino Star Ngayon nitong Agosto 2, 2006 na isinulat ng isang local contributor. Ayon kay Paulino at Atienza, kapwa miyembro ng minorya ng Konseho, nagsampa umano sila ng kaso sa Ombudsman, saad ng artikulo.

Kasama umano sa kinukwestiyon nina Paulino at Atienza ang MOA ng lungsod sa RapRap Trucking para sa koleksyon ng basura na nagtapos na noong Disyembre 2005 gayong matapos pagbotohan at aprubahan, nilagdaan ng mga konsehal kasama ang presiding officer nitong si VM Paulino ang ratipikasyon ng MOA.

Kung kaya’t ikinagulat ng husto ni Delos Reyes nang tumambad sa isang national tabloid ang malisyosong artikulo. “Ito ay malaking sampal sa dangal na iniingatan ng Konseho. Paanong kokontrahin ni Vice Mayor Paulino ang kanyang sarili dahil siya mismo ang namumuno sa Konsehong siniraan niya. At saan galing ang P27 Milyon, sapagkat walang kontratang gayon na inaprubahan ang Konseho?” saad ni Delos Reyes.

Pinabulaanan din ni Delos Reyes ang akusasyon na ang RapRap Trucking ay hindi lehitimo at non-exixtent na negosyo na tulad ng bintang ni Kgd. Atienza. Isang affidavit ang kanyang isinumite mula sa may-ari ng trucking company na nagsasaad ng mga detalye ng business at ng business address nito.

Samantala, hindi nakasagot agad si City Council Secretary Elflida Salmon kung mayroon ngang Ordinansang nagsasaad na may P27 Milyong kontrata para sa paghahakot ng basura sa lungsod.

Ayon kay City Legal Officer Angelito Orozco, isandaang porsiyento (100%) siyang nakatitiyak na sa kasalukuyan ay walang P27M kontrata o transaksyon ang lungsod para sa paghahakot ng basura.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012