‘Di ko papatulan si Gonzalez’ – Mrs. Nicolas
Ang Pilipino STAR Ngayon
"Ang konsensiya ko ang mas reliable kaysa lie detector test. Hindi ko papatulan si Gonzalez."
Ito ang naging kasagutan ni Gng. Susan Nicolas, ina ng Subic rape victim na si Nicole, kasunod ng tahasang paghahamon ni Justice Sec. Raul Gonzalez noong Sabado na sumailalim ito sa lie detector test upang patunayan kung totoo ang sinasabi nito na sinusulsulan siyang paareglo ang kaso ng anak.
Napikon si Gonzalez sa binitiwang pahayag ni Gng. Nicolas na hinihimok umano ito na makipagkasundo sa mga akusadong sundalong Amerikano para ipamalit sa kaso ng nakakulong sa US na si dating Agricutlure Undersec. Jocelyn "Joc-joc" Bolante.
Dahil dito, hinamon ni Gonzalez si Gng. Nicolas na sumalang ito at mga prosecutor sa lie detector test upang matapos na ang usapin.
Ayon kay Gonzalez, hindi dapat inuugnay ang Subic rape sa pagkakapiit ni Bolante sa US dahil walang dahilan upang makisawsaw ang DOJ lalo na ang mga piskal sa isyu kay Bolante.
Una nang hiningi ni Nicole na palitan ang mga prosecutor dahil hindi anya kuntento ang biktima sa paghawak nila sa kanyang kaso.
Hindi naman kumbinsido ang DOJ sa dahilan ni Nicole kaya tinanggihan nito ang kahilingan ng dalaga. (Ludy Bermudo)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home