GAWANG GAPO EXHIBITORS, PINARANGALAN SI MAYOR JAMES GORDON
Binigyan ng plake ng pagkilala ng mga exhibitors ng Gawang Gapo si Mayor James Gordon noong ika-4 ng Setyembre 2006 sa Rizal Triangle Covered Court bilang pasasalamat sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanila ng punong lungsod na ipakita ang kanilang mga produkto sa unang palapag ng City Hall.
Ang Gawang Gapo ay nagdaos ng kanilang unang anibersaryo noong nakaraang Agosto na sinuportahan naman ni Mayor James Gordon at First Lady Anne Gordon. Binigyan ng pagkakataon ng lungsod, sa pakikipag-ugnayan ng Livelihood and Cooperative Office, ang mga small-scale businesses na kalahok sa Gawang Gapo na makapaglagay din ng mga produkto nila sa exhibit na ginawa sa Olongapo City Mall noong ika 23-31,2006.
Ayon sa plakeng inabot ng mga exhibitors, pinapahalagahan nila ang malaking tulong na nagawa ng proyektong “Gawang Gapo” sa kanilang mga negosyo at binigyan sila ng inspirasyon ng punong lungsod upang lalo pang magsumikap na paunlarin ang kanilang pinagkakakitaan.
Ang Gawang Gapo ay programa ni Mayor Gordon na naglalayon na tangkilikin ang mga produktong sadyang ginawa ng mga taga-lungsod upang maipakilala sa buong Olongapo at sa mga turistang pumupunta sa lungsod.
Sa mga interesadong mag-display ng mga produkto sa booth ng Gawang Gapo, makipag-ugnayan lamang sa City Livelihood and Cooperative Office para makapagparehistro.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home