Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, September 09, 2006

TRIATHLON COMPETITION MULING MAKIKITA SA LANSANGAN NG ‘GAPO!

Sa ikalawang pagkakataon ay hahataw sa karagatan at lansangan ng Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Felipe, Maloma, Cabangan, Olongapo City at Subic Bay Freeport Zone ang mga atletang kalahok sa gaganaping White Rock Triathlon (WRT) 2006.

Ang long distance triathlon competition ay lalahukan ng mga manlalaro buhat sa ibat-ibang panig ng bansa at magsasagupa sa ika-7 ng Oktubre 2006 araw ng Sabado. Tatahakin nito ang kabuuang 112 kilometers na kina-papalooban ng 2km para sa swimming, 90km para sa bicycling at 20km naman para sa running.

Dahil sa malaking tagumpay ng WRT noong nakaraang-taon, nagbunga ng pagkilala ang larong triathlon sa sport community dito at nagbigay promosyon sa local community at tourism industry.

Layunin ng organizers na makilala ang buong lalawigan ng Zambales partikular na ang Lungsod ng Olongapo bilang paboritong endurance sports destination area bukod pa sa pagiging recreational destination ng bansa.

Ito ay suportado ng ibat-ibang sports media organizations kabilang na nang mga sports magazine, radio at TV programs at maging international sports enthusiasts.

Inaasahan na magiging mas malaki, mas makulay at mas mahigpit ang WRT 2006 dahil sa mas malaking bilang ng mga local at international competitors na ngayon pa lamang ay nagpahayag na ng paglahok sa isasagawang kompetisyon.


Samantala, inalerto na ni Olongapo City Mayor James ‘Bong’’ Gordon, Jr. ang ibat-ibang departamento ng lungsod para sa pagbibigay assistance sa gaganaping Triathlon, lalo na ang City Traffic Management Office para sa maayos na daloy ng trapiko.

Gayundin ang Philippine National Police (PNP) para sa seguridad, James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) at City Health Department (CHO) para sa medical assistance ng mga manlalaro at manunuod para sa mga lansangan na daraanan ng kompetisyon sa lungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012