FREDDIE AGUILAR, “ANAK” NG GAPO

Ang komposisyon nyang “Anak” na orihinal na ginawa sa Tagalog ay naisalin sa wikang Japanese, Cantonese, Malay, Mandarin, French, Spanish, Italian , English at iba pang lenggwahe . Umabot sa 6 na milyong kopya ng nasabing kanta ang naibenta sa Pilipinas at sa buong mundo. Tinangkilik din ng publiko ang kanyang mga komposisyon tulad ng Magdalena, Katarungan, Bayan Ko, Bulag, Pipi at Bingi, Estudyante Blues, at ang kantang “Olongapo” na tumatalakay sa mga socio-political issues ng iba’t-ibang panahon.
Bilang isang kinikilalang musikero, nakatanggap na ng mahigit-kumulang sa 30 iba’t-ibang musical awards si Freddie Aguilar at nakapagtanghal na rin sya ng 30 international concerts kabilang na sa Amerika, England, China, Germany at Japan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home