LIBRENG KURSO NG DOMESTIC HELPERS SA GORDON COLLEGE
Nagsimula ng matuto ang mga housekeepers ng lungsod na kabilang sa ‘’Free Training for Housekeeping Course’’ ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. bilang isa sa mga community service program ng lungsod.
Ang training na inilunsad nitong ika-6 ng Nobyembre 2006 sa Gordon College ay hinati sa tatlong (3) batches na may tig-25 studyante upang higit na maraming bilang ng mga residente ng lungsod ang makapag-enroll.
Ang bawat batches ay gugugol ng 288-hour lectures in modular type at kasama sa kanilang magiging activities ay ang pag-iikot sa ibat-ibang hotels & restaurants sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) at Olongapo bilang bahagi ng On-the-Job Training (OJT) ng mga housekeeping students.
Target ng programa na pinondohan ng pamahalaan ang mga residente ng lungsod na walang trabaho partikular na ang mga out-of-school-youth na nais matuto ng housekeeping.
Nakahanda na rin ang placement service sa mga makakatapos sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO). ‘’Layunin ng Free Training for Housekeeping Course na makapag-produced tayo ng mga magagaling, masisipag at maaasahang housekeepers o kaya’y domestic helpers,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Ang programa ay bukas para sa mga lalaki at babaeng nasa 18-40 years old samantalang binigyan ng pagkakataon ni Mayor Gordon ang mga nasa 41 years old and above na ‘’Huwag kayong mawalan ng pag-asa, maaari kayong tumungo sa Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) para sa self-employment o livelihood.
Ang lahat ng magtatapos ay makakatanggap ng certificate mula sa Gordon College at ang lahat ng makakapasa sa examination na ibibigay ng TESDA ay makakatanggap ng TESDA Certificate na kanilang magagamit sa pagpasok sa local at foreign job opportunities.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa Gordon College o tumawag sa 224-2089/224-6929 at dalhin ang High School Diploma o Transcript of Records para sa mga College Undergraduates, Voter’s ID o Residence Certificate at Barangay Clearance

0 Comments:
Post a Comment
<< Home