Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 04, 2006

Olongapo-Subic hosts 2007 AdCon

Subic Bay Freeport Zone at Olongapo,
Hosts sa 2007 Ad Congress

Nakamit ng Subic Bay Freeport Zone at Olongapo ang karapatang mag-host sa Advertising Congress (Ad Congress) sa 2007. Ang Ad Congress ay inilulunsad taun-taon para sa mga media outfits, advertising agencies, at para sa mga advertisers. Noong nakaraang taon umabot sa 3,000 marketing at advertising professionals ang dumalo sa 19th Ad Congress sa Water Front Hotel sa Cebu City..

Ang pagkapanalo bilang venue ng Ad Congress ay dulot na rin ng mga bentaheng inilatag sa mga organizers ng nasabing pagtitipon. Bukod sa kumpleto ang seminar facilities at recreational amenities ang SBFZ at Olongapo, kilala rin ang mga lugar na ito sa larangan ng hospitality services at security. Sa katunayan, naging host din ang SBFZ at Olongapo ng nakaraang SEA Games kung saan iba’t-ibang international delegations din ang dumalo.

Samantala, inaasahan naman na maraming negosyante sa Olongapo ang makikinabang sa 2007 Ad Congress. Matatandaan na noong 2003 ay gumastos ang Smart Communications ng P5 milyong piso upang maglagay lamang ng mga posters at binayaran ang mga sari-sari stores sa Baguio upang magkabit ng streamers sa kanilang tindahan para sa Ad Congress. Kumikita rin ang mga hotels, restaurants, recreational facilities at souvenier shops sa mga lugar na pinagdadausan ng Ad Congress kung saan umaabot sa P50 milyong piso ang ginagastos ng mga sponsors at participants para sa makabuluhang event na ito sa mundo ng marketing.


Habang hindi naman bago sa Olongapo ang pag-hohost sa ganitong mga kalaking grupo, pinaghahandaan pa rin ng pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon kasama ang SBFZ at Greater Subic Bay Tourism Bureau (GSBTB) ang malaking oportunidad na ito para sa negosyo at turismo sa syudad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012