PAPUTOK SANHI NG SUNOG!
Kaugnay ng pagsunod sa City Ordinance no. 5 Series of 1959 (An Ordinance Prohibiting the Firing, Explosion or Discharge of Firecrakers) na na-amyendahan noong 1996 (Ordinance no. 55), ipagbabawal sa Olongapo ang pagtitinda at paggamit ng papaputok sa lungsod .
Ayon sa ordinansa, ang sino mang lalabag sa mga provisyon ng nasabing batas ay magbabayad ng hindi bababa sa P500.00 hanggang sa P1,000 o ikukulong ng hindi bababa sa 5 araw hanggang 30 araw o kaya naman ay parehong ipapataw ang naturang kaparusahan batay sa pag-uutos ng korte.
Ipatutupad sa lungsod ang pagbabawal sa paggamit ng firecrackers dahil na rin sa malaking pinsalang dulot nito sa kalusugan at ari-arian katulad ng sunog.
“Bukod sa malaking perang ginagastos ng ating mga kababayan sa pagbili ng mga paputok, inilalagay din nila sa panganib ang kanilang sarili, pamilya at ibang tao dahil sa pinsalang maaaring idulot ng firecrackers kapag nagkaroon ng aksidente,” wika ni Mayor James Bong Gordon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home