2ND CANVASSING, MAKULAY NA ISINAGAWA!
Nagmistulang Chinatown ang kabuuan ng Olongapo City Convention Center nitong ika-29 ng Nobyembre 2006 bunga ng isinagawang 2nd Canvassing ng Search for the City Fiesta Queen 2006.
Ang programa na sinimulan sa pamamagitan ng makulay na Lion Dance na sinalihan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at 2006 City Fiesta Executive Committee Chairperson at First Lady Anne Marie Gordon kasama ang bumubuo ng City Fiesta Committee.
Kabilang rin sa isinagawang processional ay ang mga Barangay Officials, magulang ng mga kandidata, City Fiesta Board of Canvassers na muling sinundan ng isang Dragon Dance sa pamamagitan ng Filipino-Chinese Community ng Olongapo.
Higit na naging makulay ang kabuuan ng convention ng magsimula nang masilayan ang labingpitong (17) kandidatang suot ang kani-kanilang makukulay na Chinese attire.
Isa-isang pinarada ng mga kandidata ang kanilang kasuotan na nag-dulot ng kasiyahan sa mga bisita at manonood na naaayon sa temang Chinese Night bilang pagpapahalaga sa Chinese-Filipino Community ng lungsod.
Tumanggap ng special awards ang mga sumusunod:
• Ms. Mabayuan Ashley Anne Catalan – Best in Costume
• Ms. West Bajac-Bajac Jinky Argente – Most Elegant
• Ms. East Bajac-Bajac Maria Angelica Soriano – Best in Hairstyle
• Ms. Banicain Angelee Claudett delos Reyes – Most Authentic
Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakuha ng Brgy. Gordon Heights ang special award for Biggest Delegation na umabot sa mahigit dalawandaang (200) residente nito na buong-suportang ipinakita sa pangunguna ni ABC President at Brgy. Capt. Carlito Baloy.
Samantala, ang tinaghal na Ms. Korean Night sa 1st canvassing na si Ms. Gordon Heights Joleena Rose Snyder ang tinanghal na Ms. Chinese Night matapos mapag-wagian nito ang 1st at 2nd counting para sa 2nd canvassing ng 2006 Search for the City Fiesta Queen.
Ang lobby pa lamang ng venue ay may mga mabibili nang makukulay na Chinese inspired products and decorations na karaniwan na nakikita sa tahanan ng Chinoy family samantalang lumutang ang talento ng mga mag-aaral ng Olongapo Anglo Cultural School ng sumayaw at kumanta ang mga ito.
Sa kabuuan ay umabot sa mahigit dalawanlibong (2,000) Olongapeño ang nanood at nakiisa. Inaantabayan na rin ang 3rd canvassing sa ika-22 ng Disyembre 2006 na may temang International Night.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home