Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, December 01, 2006

Bus sa Olongapo pinasabog: Konduktor lasog



A police officer guards the wreckage of a bus after it was burned due to an explosion Thursday in Olongapo city northwest of Manila. The bus conductor was killed when a box apparently left behind by a passenger exploded. (AP)

OLONGAPO CITY — Nalasog at sunog ang katawan ng isang 35-anyos na konduktor na lalaki makaraang pasabugin ang pampasaherong aircon bus sa terminal ng Victory Liner sa Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City kahapon.

Nagmistulang uling ang katawan ng biktimang si Louie Milenio matapos na masapol ng bomba na inilagay sa likurang bahagi ng bus ng mga hindi pa kilalang grupo na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni P/Senior Supt. Angelito Pacia, Olongapo City PNP director, bandang alas-4:30 ng hapon nang magsibaba ang mga pasahero ng Victory Liner Bus na may plakang CWD-711 sa terminal ng nabanggit na lungsod.

Kasunod nito ay bumababa ang drayber na si Angelito Espejo, habang nag-iinspeksyon naman ang biktima kung saan namataan nito ang dalawang kahong magkapatong na naiwan sa likurang bahagi ng bus.

Habang hinihila ang dalawang kahon ay biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog at tumilapon ang katawang lasog at nasusunog na katawan ng biktima, ayon sa pahayag ng bus washer na si Ramil Rabanes na halos segundo lamang para umakyat siya sa sasakyan upang maglinis.

Halos masunog ang buong katawan ng Victory Liner Bus na may body number 1565 mula sa terminal sa Pasay City.

Unang rumesponde sa insidente ang ilang lokal na opisyal sa pangunguna ni Vice Mayor Paulino para mangasiwa sa kaayusan ng sitwasyon.

May teorya ang mga imbestigador na may kinalaman sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebeldeng New People’s Army sa may-ari ng nabanggit na bus na pinaniniwalaang patuloy na hindi nagbibigay.
Nina Jeff Tombado At Alex Galang - Ang Pilipino STAR Ngayon

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012