WALANG OUTBREAK
“Ang pangyayari ay isa lamang isolated incident at hindi outbreak.” Bagama’t nakikidalamhati ang pamahalaang panglungsod at buong Olongapo sa pagkamatay ng biktima, huwag naman nating bigyan ng takot at maling impormasyon ang mga mamamayan,’ wika ni Vic Vizcocho, head ng Public Affairs Office. Ito ay patungkol sa diumano’y meningococcemia outbreak sa lungsod na lumabas sa isang tabloid.
Sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ay pinuntahan ng mga health workers ng lungsod ang mga taong nakasalamuha ng pasyente at binigyan ng karampatang gamot upang makaiwas sa naturang sakit. “Napaghandaan na ng pamahalaang panglungsod ang iba’t-ibang sakuna o emergency na maaaring harapin ng lungsod kaya naman maagap ang ating responde at pagbibigay kalutusan sa mga problema,” wika ni Mayor Gordon.
Ayon naman kay Dr. Arturo Mendoza, director ng James Gordon Memorial Hospital, na wala namang dapat ikabahala ang mamamayan ng Olongapo dahil agad namang nabigyan ng angkop na anti-biotic ang mga doktor, nurses, mga empeyado ng ospital at mga kamag-anak ng biktima. Agaran ding nagbigay ng wastong pagdidis-infect ang mga lugar sa ospital kung saan nagkaroon ng exposure ang naturang pasyente.
Ang meningococcemia ay isang impeksyon na nakakahawa lamang sa pamamagitan ng droplets o sipon, plema o talsik ng laway mula sa taong apektado nito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home