Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, December 10, 2006

KAPIT-BISIG: OLONGAPO AT AUSTRALIA

Muli na namang pinagkatiwaan ang Olongapo dahil sa maganda nitong track record sa larangan ng local governance na mabibilang na isa mga modelong lungsod ngayon sa bansa.

Sa mahigit dalawamput-limang (25) mga lungsod na pinagpilian tanging ang Lungsod ng Olongapo ang napili bilang pioneer Local Government Unit (LGU) na makakatanggap ng mahigit 10 milyong grant para sa implementasyon ng Land Administration and Management Program (LAMP).

Ang Innovation Support Fund (ISF) ang pangunahing tututok at magpapatupad sa grant na ipagkakaloob ng bansang Australia para sa Olongapo gayundin sa iba pang lungsod na makakatanggap ng katulad na grant.

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) nitong ika-30 ng Nobyembre 2006 sa FMA Hall sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kasama sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Manual Gerochi, Australia Aid (AusAID) Senior Program Officer Erika Geronimo at Land Equity International (LEI) Team Leader Ian Loyd.

Layon ng grant na higit pang maisaayos ang land management system at tamang assessment ng real estate property kabilang na ang pagbibigay ng titulo sa tamang nagmamay-ari nito.

Sa mensahe ni Mayor Bong Gordon, una niyang pinasalamatan ang bansang Australia sa grant. ‘’Malaki ang magagawa ng grant na ito sa pagpapa-unlad at pagsasa-ayos ng lupa sa Olongapo.’’

Sa atas ni Mayor Bong Gordon, ang City Planning and Development Office (CPDO) sa pangunguna ni Arch. Tony Karl-Balde III ang pangunahing tututok sa program na tatagal sa loob ng dalawang (2) taon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012