MAY BATAS LABAN SA PAPUTOK
Olongapo City - Ikinakampanya ngayon ng Department of Health (DOH) ang Oplan Iwas Paputok upang ligtas na maipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa buong bansa.
Batay sa talaan ng nasabing ahensya, mahigit sa 600 katao noong nakaraang taon ang nasaktan at isinugod sa ospital sanhi ng paputok. Anim na buwang gulang na sanggol ang pinakabata at 80 taong gulang naman ang pinakamatandang biktima na may mga nasa loob lamang ng bahay nang aksidenteng madamay sa pagsabog ng paputok.
Sa mga nagbabalak na magtinda at gumamit ng mga paputok sa lungsod, ipinapaalala ng pamahalaang panglungsod ang City Ordinance no. 5 Series of 1959 (Prohibition on the Firing, Explosion or Discharge of Firecrakers). Ang ordinansang ito ang nagbabawal sa pagtitinda at paggamit ng paputok sa lungsod at ang paglabag dito ay may kaukulang multa at o pagkakulong ng 5-30 araw batay na rin sa atas korte.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home