Pulis, 1 pa kinatay ng senglot sa Zambales
ZAMBALES — Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng dalawa-katao kabilang na ang isang pulis makaraang pagtatagain ng senglot na lalaking nag-amok sa bahagi ng Barangay Laoag sa bayan ng Cabangan, Zambales noong Miyerkules.
Nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina SPO4 Salustiano Arga Jr., 46, nakatalaga sa Zambales PNP at residente ng Barangay Malimanga, Candelaria; at Ysmael Merza, 41, civilian agent at residente ng Brgy. Gama, Sta. Cruz.
Sumuko naman kay Barangay Kagawad Lucio Magdaraog ang suspek na si Alfredo Diaz, 46, tubong Doña Lucia, Catarman, Northern Samar at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Laoag.
Sa ulat na isinumite kay Sr. Supt. Arrazao Subong, Zambales provincial director, bandang alas-6 ng gabi noong Miyerkules nang makasalubong ng suspek ang dalawang biktima sa nabanggit na barangay.
Sa hindi nabatid na dahilan ay biglang pinagtataga ng suspek ang dalawa at hindi na nakapagbunot ng baril. Narekober sa crime scene ang dalawang baril ng mga biktima at matalas na itak na ginamit ng suspek. (Ni Fred Lovino, Dagdag ulat ni Ric Sapnu - PhilStar)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home