AMERIKANO AT BALIKBAYAN, BILIB SA SERBISYO NG JLGMH!
BUMILIB ang isang Amerikanong naging pasyente at ang kanyang asawang balik-bayan sa kalidad ng paglilingkod ng James L. Gordon Hospital sa kanila.
Ayon kay Ester Lozada, balik-bayan mula sa Victorville,California, “bagama’t naghihirap ang kalooban namin sa pagkawala ng aking asawang si Van Stell, napahanga naman kami ng mga empleyado,doktor at facilities ng James Gordon Hospital.”
“ Inasikaso kami ng mabuti ng mga doktor at nurses. Hindi rin kame pinabayaan ng mga empleyado, kaya naman sa loob ng maikling panahong ipinamalagi ni Van Stell sa ospital ay napamahal na sa kanya ang mga tao doon kaya nga ang nais sana nya ay makapagtayo ng foundation para matulungan ang JLGMH,”sabi pa ni Lozada. “Nalaman kasi namin na napakaraming natutulungan ng ospital hindi lamang sa Olongapo ngunit pati na rin mga pasyenteng mula pa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Bataan, Pampanga at Zambales,” dagdag pa ni Lozada.
Sinabi rin ni Lozada na bagama’t binawian na ng buhay ang kanyang asawa, itutuloy pa rin nya ang balak na pagtulong sa JLGMH sa pamamagitan ng pagbabalita sa mga kaibigang Filipino sa Amerika ng magandang ehemplong ipinakita ng JLGMH upang matupad ang pagtatayo ng foundation para sa ospital.
Ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) na patuloy na nagbibigay serbisyo sa mga pasyente ng Olongapo, Zambales, Bataan, Pangasinan at iba pang- lalawigan sa luzon.
Ayon kay Ester Lozada, balik-bayan mula sa Victorville,California, “bagama’t naghihirap ang kalooban namin sa pagkawala ng aking asawang si Van Stell, napahanga naman kami ng mga empleyado,doktor at facilities ng James Gordon Hospital.”
“ Inasikaso kami ng mabuti ng mga doktor at nurses. Hindi rin kame pinabayaan ng mga empleyado, kaya naman sa loob ng maikling panahong ipinamalagi ni Van Stell sa ospital ay napamahal na sa kanya ang mga tao doon kaya nga ang nais sana nya ay makapagtayo ng foundation para matulungan ang JLGMH,”sabi pa ni Lozada. “Nalaman kasi namin na napakaraming natutulungan ng ospital hindi lamang sa Olongapo ngunit pati na rin mga pasyenteng mula pa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Bataan, Pampanga at Zambales,” dagdag pa ni Lozada.
Sinabi rin ni Lozada na bagama’t binawian na ng buhay ang kanyang asawa, itutuloy pa rin nya ang balak na pagtulong sa JLGMH sa pamamagitan ng pagbabalita sa mga kaibigang Filipino sa Amerika ng magandang ehemplong ipinakita ng JLGMH upang matupad ang pagtatayo ng foundation para sa ospital.
1 Comments:
kaya pala e!!!e kasi balikbayan ka nga madam!!!
By Anonymous, at 6/02/2009 10:17 AM
Post a Comment
<< Home