Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 09, 2007

Subicwater, nagkamit ng international award

SUBIC BAY FREEPORT — Muli na naman nagkamit ng tatlong international award sa Integrated Management Systems (IMS) ang Subicwater Sewerage Co. dahil sa kalidad at serbisyo bilang pangunahing sewerage company sa bansa.

Ayon kay Libay "Libby" Macasaet, public and media information officer ng Subicwater, iginawad sa kanilang kumpanya ang tatlong sertipikasyon matapos makapasa sa international quality standards na itinakda ng TUV-SUD-Germany, ang pinakamalaki at respetadong award giving body sa buong mundo.

Kabilang ang nakuhang sertipikasyon ng naturang kumpanya ay ang Integrated Management System (IMS)-ISO-9001-(Quality); IMS-ISO-14001-(Environment) at IMS-OHSAS-18001-(Occupational Health and Safety) standards kung saan ang TUV-SUD-Phils., ang siyang naggawad dito.

Makaraan ang pagsunod at pagkumpleto sa lahat ng requirements ng international standards sakop ang water production, treatment at distribution with design of pipelines, ang Subicwater ngayon ay certified ISO-9001-2000 na siyang nangungunang water sewerage co. sa Pilipinas.

Ang water filtration ng Subicwater ay nakabase sa Barangay Mabayuan, Olongapo City na siyang nagbibigay ng supply ng tubig sa buong lungsod at sa kabuuan ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ). (Jeff Tombado - Ang Pilipino STAR Ngayon )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012