Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, April 08, 2007

READY…GET SET…BONG!

Handa nang magtapatan ang mga pambatong manlalaro ng City at National Departments and Agencies kaugnay sa gaganaping Inter-Department Intramural Meet sa ika-9 hanggang 13 ng Abril 2007.

Ang malaking sport activity ng mga opisyales at kawani ng gobyerno sa Olongapo na tinaguriang ‘’Ready…Get Set…Bong!!! ay pangungunahan ni City Sports Coordinator Angie Layug sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Maliban sa basketball, volleyball, badminton, table tennis, chess at swimming ay hahataw rin ang mga kalahok sa dance sports katulad ng Rumba, Cha-Cha, Jive, Foxtrot, Waltz at Tango.

Bubuhayin rin ang mga ‘’Laro ng Lahi’’ kabilang na ang kadang-kadang, sack race, tug of war, obstacle course, patintero at hulihan ng biik challenge na sinasabing magiging highlight ng Ready…Get Set.. Bong!!

‘’Bagamat puno ng tension o stress ang mag-hapong pagtatrabaho ay kinakailangan rin ng mga kawani ng gobyerno ang maglibang at ito ay sa pamamagitan ng ibat-ibang sport events na batay sa kanilang hilig,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Pangunahing layunin ng palaro na higit na paglapitin at buhayin ang ‘’sportsmanship’’ at panatilihin ang masigla at maayos na pangangatawan ng mga manggagawa sa gobyerno.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012