Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 27, 2007

3RD NATIONAL SAFE KIDS WEEK SA ‘GAPO

Ginanap kamakailan lamang sa Asinan Elementary School ang 3rd Year Anniversary ng Safe Kids Philippines (SKP) sa Olongapo. Sa pamamagitan ng recognition ceremony ay pinarangalan ang kontribusyon ng SKP’s partner at volunteers sa lungsod.

‘’Ang Olongapo ay isa sa tatlong lungsod sa buong bansa, kasama ang Parañaque at Pasay City, na isinasakatuparan ang programa ng Safe Kids. Dahil na rin ito sa maipagmamalaki ng lungsod na tayo ay makailang-ulit ng pinarangalang bilang “Most Child Friendly City”, wika ni City Mayor Bong Gordon.

Ang Safe Kids Philippines ay isang Non-Government Organization na kaisa ng Safe Kids Worldwide sa misyon na pangalagaan ang mga kabataan sa mga hindi intensyonal na mga aksidenteng maaaring maganap lalo na sa mga lansangan.

Tinutugunan ng Safe Kids Philippines ang aksidente sa kalsada na ayon sa mga pag-aaral ay may lumalaking bilang na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga bata na may edad 14 taong gulang pababa.

Sa pakikipagtulungan ng Federal Express, isinusulong ng Safe Kids ang mga proyekto tulad ng pagpipintura ng mga crosswalks. Sa Olongapo, sa kampanyang “Walk This Way”, dalawampu’t limang (25) pedestrian lanes sa tabi ng mga pampublikong paaralan ang patuloy na isinasa-ayos, pinipinturahan at nilalagyan ng mga karatulang paalala ng Safe Kids.

Ang mga gawain ng Safe Kids Philippines ay itinaon sa idineklarang “National Safe Kids Week” ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Hunyo. Ang buong linggo ay inaalay upang tulungang maiwasan ng mga kabataan ang mga sakuna at bigyang edukasyon ang lipunan sa responsibilidad nila upang protektahan ang mga kabataan.

Matatandaan na sinimulan ang Safe Kids Philippines-Olongapo noong Hunyo 2005 sa Olongapo City Elementary School at hanggang sa ngayon ay patuloy na naisasakatuparan ang misyon nito sa lungsod.

Pao/rem

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012