Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 14, 2007

BARANGAY DAY CARE CENTERS PATULOY NA DUMARAMI

Bukas na ang ipinangakong Day Care Center ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga residente ng Brgy. Barretto. Ang ‘’Upper Purok 11 Day Care Center’’ na pinasinayanan nitong ika-12 ng Hunyo 2007 ay ang katuparan ng kahilingan ng mga magulang doon sa punong-lungsod.

Sa basbas ni Pastor Fernando Alianique ay magkatuwang sina Mayor Bong Gordon, Zambales Vice-Gov.-Elect Anne Marie Gordon, Vice-Mayor-Elect Cynthia Cajudo, ABC President at Barretto Brgy. Capt. Carlito Baloy at City Social Welfare and Development Office (CSDWO) Head Gene Eclarino sa makulay na ribbon cutting.

‘’Alagaan ninyo ang inyong Day Care Center dahil dito magsisimulang matuto ang inyong mga anak. Target pa rin ng pamahalaan na maglagay ng mga centers partikular na sa mga mas matataas na lugar upang higit na maabot ang mga residente nito,’’ mensahe ni Mayor Bong Gordon.

Ang bagong bukas na center na may isang kwarto ay kumpleto sa gamit pang-eskwela magmula sa mga laruan, libro at craft materials at pangangasiwaan ng isang Day Care Worker na aalalay at tatayong guro ng mga mag-aaral.

Sa ngayon, ang ika-labing-isang (11) Day Care sa Brgy. Barretto ay may tatlumput-limang (35) enrollees.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012