Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 13, 2007

GORDON TICKET VICTORY PARTY, DINUMOG!

Di mahulugang karayom ang Olongapo City Convention Center (OCCC) sa dami nang mga Olongapeño na umabot sa mahigit walonglibo (8,000) ang nakiisa sa Victory Party ng Gordon Ticket nitong ika-9 ng Hunyo 2007.

Ang Victory Party ay pinangunahan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na muling hinalal ng mga Olongapeño bilang punong-lungsod, kasama si Zambales Vice-Governor-Elect at First Lady Anne Marie Gordon.

‘’Maraming salamat sa inyong suporta sa Gordon Ticket. Katuwang ko ang ating bagong Zambales Vice-Gov.-Elect Anne Marie Gordon at ang City Council sa tuloy-tuloy nating pagsulong,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Binuksan ni Vice-Mayor-Elect Cynthia Cajudo ang programa saka isa-isang ipinakilala ang mga bumubuo ng bagong City Council na sina Kgd. Gina Perez, Kgd. Marey Beth Marzan, Kgd. Edwin Piano, Kgd. Elmo Aquino at Kgd. JC Gordon delos Reyes kasama ang mga baguhang sina Ellen Dabu, Rodel Cerezo, Jong Cortez at Gie Baloy samantalang ang Gordon Ticket Congressional Candidate na si Ramon Lacbain ay nagbigay mensahe rin.

Bilang suporta sa Gordon Ticket ay dumating si Sen. Richard Gordon na nagbigay mensahe na sumentro sa mga ginagawa niyang imbitasyon sa mga foreign investors na muling mamuhunan sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ). ‘’Kung maraming mamumuhunan sa Freeport Zone ay maganda ang biyayang hatid nito sa bansa at sa Olongapo.’’

Ang oath-taking ay gaganapin sa City Convention Center (OCCC) nitong ika-29 ng Hunyo 2007 samantalang magsisimulang manungkulan sa ika-1 ng Hulyo 2007 ang mga bagong halal na opisyales ng lungsod.


Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe sa mga dumalong supporters sa Victory Party ng Gordon Ticket nitong ika-9 ng Hunyo 2007 sa Olongapo City Convention Center (OCCC).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012