INDEPENDENCE DAY AT CITYHOOD SABAY NA IPAGDIRIWANG
Dalawang mahalagang okasyon sa bansa at sa Olongapo ang sabay na ipagdiriwang nitong ika-12 ng Hunyo 2007, ang 109th Independence Day at ang 41st Olongapo Cityhood.
Kaakibat ng espesyal na araw ay nakalatag na ang ibat-ibang aktibidad upang sariwain ang Kalayaan ng Pilipinas at ang Anibersaryo ng Pagka-lungsod ng Olongapo na ipinaglaban noon ni James “Jimmy” L. Gordon Sr.
Sisimulan ito sa pamamagitan ng Wreath-Laying Ceremony ni City Mayor Bong Gordon, Jr. katuwang ang mga Senior Citizens at War Veterans sa ‘’Bantayog ni Rizal’’ sa ganap na ika-anim at kalahati ng umaga (6:30AM) sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Ganap na ika-pito ng umaga (7:00AM) ay isang Flag Raising Ceremony naman ang isasagawa kaalinsabay sa paglakad ng Civic Military Parade na sisimulan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Drive patungo sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center bilang venue ng program.
Sa palatuntunan ay magiging sentro ang sabay-sabay na pagbigkas ng panalangin ng anim (6) na kinatawan ng ibat-ibang Religious Organizations bilang pagpapahayag ng pakiki-isa at pakikipag-tulungan sa City Government upang tuloy-tuloy na makamtam ang katahimikan at kapayaan sa lungsod.
Ipapakita rin ng mga kalahok na ahensiya, departamento, organisasyon at residente sa pamamagitan ng mga naglalakihang banners at streamers ang mga slogan ng Olongapo simula 1980 hanggang sa kasalukuyang taon na may ‘’Fighting for Excellence’’ slogan.
Ipagmamalaki rin ang pinaka-matataas na karangalang natanggap ng Olongapo tulad ng 1996 at 1998 UNESCO Mayor for Peace Prize Award, 1999 Plaque of Recognition for International Understanding by the KONRAD ADENAUER STIFTUNG & Local Government Development Foundation, 2004 & 2005 National and Regional Winner Peace and Order Council for Highly Urbanized Category at marami pang ibang rekognasyon.
‘’Ang lahat ay inaanyayahan na lumahok sa ating Independence Day at Cityhood Celebration dahil mahalaga na ating alalahanin ang ating pinagmulan,’’ paanyaya ni Mayor Gordon.

Labels: INDEPENDENCE DAY, OLONGAPO CITYHOOD
0 Comments:
Post a Comment
<< Home