“Preventive Measures” Para sa Tag-ulan; Ipinag-utos ni Mayor Bong Gordon
Upang makapaghanda ang mga taga-Olongapo sa darating na tag-ulan at mabawasan ang sakuna dulot ng pagbaha, malakas na hangin, landslides at mga brown-out, iniutos ng Punong-lungsod sa mga Barangay Chairmen ang implementasyon ng mga sumusunod sa kani-kanilang mga barangay:
Umpisahan o ituloy ang paglilinis ng mga baradong canal at drainages, lalo na sa mga lugar na bahain. Ang lahat ng Declogging Operations ay dapat i-coordinate sa Engineering Dept. para sa maayos na pagkolekta ng mga basurang makukuha dito.
Umpisahan o ituloy ang paglilinis ng mga baradong canal at drainages, lalo na sa mga lugar na bahain. Ang lahat ng Declogging Operations ay dapat i-coordinate sa Engineering Dept. para sa maayos na pagkolekta ng mga basurang makukuha dito.
Ipaalam sa PUD o sa Disaster Management Office kung may mga sanga ng punong-kahoy na kailangang putulan.
Re-activate at patibayin ang mga Barangay Rescue & Emergency Response Team. Alamin kung sapat ang kanilang mga kagamitan upang makaresponde sa mga emergency situations.
Isulong ang Disaster Awareness sa mga ka-barangay sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga impormasyon tungkol sa mga nararapat gawin tuwing may sakuna at masusing koordinasyon sa Office of the City Mayor o sa Disaster Management Office para sa mga kaukulang patnubay kung kailangan.
Magugunitang ang Olongapo ay dating latian o swampy area na below sea level kaya “prone” sa pagbaha.
Gayunman, sa pamamagitan ng infrastraktura at pagpla-plano, naiiwasan ang malubhang pagbaha lalo na sa pakikiisa ng mga residente ng lungsod.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home