Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, June 03, 2007

PAP SMEAR SCREENING SA CITY HEALTH

Suma-ilalim ang mahigit isangdaang (100) kababaihan sa ginanap na dalawang (2) araw na PAP Smear Screening nitong ika-29 at 30 ng Mayo 2007 sa City Health Building ng City Hall.

Sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) sa ibat-ibang pribadong kompanya ng gamot ay regular at libreng naisasagawa ang screening.

Samantala, ang mga kababaihan na nangangailangan ng medical attention ay aalalayan naman ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) upang matutukan at mabigyan ng nauukol na pag-gamot.

Ang mga nasa tatlumput-isang (31) taong gulang pataas na kababaihan ay marapat na suma-ilalim sa PAP Smear Screening upang mabantayan ang estado ng kwelyo ng matris o cervix upang maiwasan ang Cervical Cancer na isa sa pangunahing nakamamatay na sakit ngayon ng mga kababaihan.

‘’Ang isinasagawang PAP Smear Screening at treatment ay bahagi ng pangangalaga ng City Goverment sa kalusugan ng mga Olongapeña,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Para sa karagdagang impormasyon ukol sa PAP Smear Screening, Cervical Cancer at iba pang sakit ng mga kababaihan ay maaaring makipag-ugnayan sa City Health Office sa City Hall,’’ wika naman ni CHO Head Dr. Arnulfo Tamayo.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012