OLONGAPO FIRST LADY ANNE GORDON BISE-GOBERNADOR NG ZAMBALES
Dahil sa sensiridad at dedikasyon sa paglilingkod bilang Unang Ginang ng Olongapo City, minahal hindi lamang ng mga Olongapeño si First Lady Anne Marie kungdi pati na rin ng mga taga-lalawigan ng Zambales na kanyang natulungan noon sa pamamagitan ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) at mga programang pangkabuhayan na mula sa pondo na nakalap ng 2006 City Fiesta Executive Committee na kanyang pinamunuan.
“Bilang First Lady ng Olongapo, marami akong isinulong na programang pangkabuhayan at pangkababaihan at ngayon naman, bilang Bise-Gobernador ng Zambales, hangarin kong matulungan ang pamahalaang panglalawigan na itaguyod ang progreso at kaunlaran ng Zambales,” wika ni Bise-Gobernador, Gordon sa pakikipagharap sa supporters sa ginanap na Victory Party ng Gordon ticket,
“Naramdaman ko rin ang pangangailangan ng mga kababayan kong taga-Zambales noon nang ako mismo ang kanilang nilalapitan sa JLGMH upang humingi ng tulong medical. Dahil dito isa sa aking mga layunin ay maitaguyod ang modernisasyon at pagsasaayos ng mga pampublikong ospital sa lalawigan katulad ng patuloy na programang modernisasyon ni Mayor Bong Gordon sa JLGMH,” paliwanag pa ng Bise-Gobernador-elect Anne Gordon.

Labels: First Lady Anne Marie Gordon, Vice Governor, zambales
0 Comments:
Post a Comment
<< Home