Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 14, 2007

INDEPENDENCE DAY AT CITYHOOD CELEBATION SA ‘GAPO!

Sinariwa ng Lungsod ng Olongapo ang dalawang mahalagang okasyon nitong ika-12 ng Hunyo 2007, ang 109th Independence Day ng bansa at ang 41st Olongapo Cityhood.

Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng wreath-laying o ang pag-aalay ng bulaklak sa ‘’Bantayog ni Rizal’’ sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ganap na ika-pito (7:00AM) ng umaga sa Rizal Park.

Kasama ni Mayor Bong Gordon na nagbigay-pugay sa tinaguriang ‘’Pambansang Bayani’’ na si Dr. Jose Rizal sina Zambales Vice-Gov.- Elect at First Lady Anne Marie Gordon gayundin ang mga bagong bumubuo ng City Council sa pangunguna ni Vice-Mayor - Elect Cynthia Cajudo.

Sa programa ay sabay-sabay na nagbigkas ng panalangin ang tatlong (3) kinatawan ng religious organizations buhat sa Catholic Church, Iglesia ni Cristo at Muslim Community bilang show-of-force tungo sa pagkaka-isa.

Sinundan rin ang programa ng isang Civic Military Parade na sinimulan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Drive patungo sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. Kalahok sa parade ang mga city government employees, barangay officials, DeptED Family at NGO’s habang winawagayway ang dalang mga makukulay na banderitas.

Bitbit ng mga parade participants ang mga naglalakihang banners at streamers na nagpapahayag ng mga slogan ng lungsod simula sa panahon nina dating Mayor Richard Gordon at Kate Gordon hanggang sa kasalukuyan na ‘’Fighting for Excellence’’ ni Mayor Bong Gordon ang nasilayan.

Maging ang mga ipinagmamalaking International at National Recognitions na tinanggap ng lungsod ay ipinakita rin sa mahabang parade na umabot sa tinatayang dalawanglibo (2,000) ang nakilahok.


Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe kaugnay sa selebrasyon ng 109th Independence Day at ang 41st Olongapo Cityhood sa ‘’Bantayog ni Rizal’’ nitong ika-12 ng Hunyo 2007.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012