BATANG ‘GAPO TWO-TIME MVP PLAYER
Kinilala ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-16 ng Hulyo 2007 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang galing ng isang Olongapeño sa larangan ng basketball.
Sa harap ng mga opisyales at kawani ng pamahalaang lokal ng lungsod ay ipinag-malaki ni Mayor Bong Gordon si Regie Miller, ang tinanghal na two-time Most Valuable Player (MVP) ng 2007 Philippine Basketball Association (PBA).
Ang Alaska Aces versatile guard na si Miller, ay isa sa ilan lamang sa nakakuha ng dalawang (2) MVP award at pumasok sa Mythical Five na sumusukat lamang nang mas mababa sa anim na talampakan (6 ft). Kinilala rin siya bilang Season’s Top Individual Performer sa 32nd Leo Prieto Awards nitong ika-15 ng Hulyo 2007 sa Araneta Coliseum.
Naungusan ni Miller ang ilang cagers ng liga ng makakuha ito ng 547 statistical points at 2,124 vote points mula sa media, 218 points buhat sa kapwa manlalaro, 600 points buhat sa TV broadcast carrier ABC5 at 300 points buhat naman sa PBA Commisioner’s Office.
Matatandaan na natanggap ni Miller ang kanyang first MVP award noong 2002, isang taon bago siya napili ng dating team na Red Bull bilang No. 1 overall pick sa PBA Rookie Draft.
‘’Inspirasyon si Regie Miller ng mga batang Olongapeño na nagnanais umunlad at makilala sa larong basketball na ang puhunan ay disiplina, lakas ng loob, galing at talino,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Ang residente ng Brgy. Banicain na si Miller ay nagtapos sa Olongapo City Elementary School (OCES) at Olongapo City National High School (OCNHS). Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagbibigay si Miller ng libreng training at nagbabahagi ng kanyang estilo sa larong basketball sa mga batang ‘Gapo.
Pao/rem

Labels: Most Valuable Player, pba, Regie Miller
0 Comments:
Post a Comment
<< Home