BATAS PARA SA MGA PWD
Magandang balita para sa mga Person’s with Disability o PWD ang mga pagbabago sa Republic Act 7277 na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong Pebrero at inaprobahan ng Pangulo ng Pilipinas noong Abril ng taong kasalukuyan.
Ang Republic Act 7227 ay isang batas na nagtatadhana sa rehabilitasyon, pagpapaunlad sa sarili at pagtitiwala sa sariling kakayahan ng mga taong may kapansanan at ang kanilang pakikisalamuha sa kasalukuyang takbo ng lipunan at sa iba pang mga layunin.
Kasama sa nasabing mga pagbabago ay ang pagbibigay ng iba pang mga prebilehiyo at insentibo para sa mga taong may kapansanan.
Makakadiskwento na ng dalawampung porsiyento (20%) ang mga taong may kapansanan sa mga sumusunod:
1. Paggamit ng serbisyo sa mga ‘’hotels’’, ‘’lodging establishments,’’ ‘’restaurants’’ at iba pang ‘’recreation centers.’’

2. Pagpasok sa mga ‘’theaters,’’ ‘’cinema houses,’’ ‘’concert halls,’’ ‘’circuses,’’ ‘’carnivals’’ at iba pang lugar para sa ‘’culture’’, ‘’leisure’’ at ‘’amusement.’’
3. Pagbili ng gamot sa lahat ng botika.
4. Pag-avail sa mga serbisyong medikal at dental, pang- publiko man o pang-pribado.
5. Pamasahe sa anumang pang-publikong sasakyan, pandagat, panlupa o pang-himpapawid man.
6. Pag-aaral sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, edukasyong bokasyunal o teknikal at maging sa ‘’graduate schools,’’ pang-publiko man o pang-pribado.
Itinakda rin ng nasabing pagbabago ang pagkakaroon ng ‘’special discounts’’ ng mga PWD sa mga pangunahing bilihin at ang pagbibigay ng ‘’express lanes’’ para sa mga PWD sa mga ‘’commercial’’ at ‘’government establishments.’’
Kasalukuyang binabanghay ng mga ahensiya ng pamahalaan ang mga tuntunin kaugnay sa epektibong pagpapatupad ng mga pagbabago sa Batas Republika Bilang 7277 na tiyak na makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga taong may kapansanan sa buong bansa.
Pao/jms

Labels: pagbabago, pwd, Republic Act 7277
0 Comments:
Post a Comment
<< Home