Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 20, 2007

OLONGAPO BEST CITY PEACE AND ORDER COUNCIL SA REGION-3

Tinanggap ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang Plaque of Recognition para sa Lungsod ng Olongapo bilang Regional Winner sa 2006 Search for Best Peace and Order Council (POC) sa ilalim ng Highly Urbanized City Category.

Ini-abot nina DILG City Director Eliseo de Guzman at National Police Commission (NAPOLCOM) Region-3 Representative Ruben delos Santos ang ‘’2006 Best City Peace and Order Council’’ award kay Mayor Bong Gordon sa harap ng mga opisyales at kawani ng City Hall nitong ika-16 ng Hulyo 2007 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

‘’Malaking inspirasyon ang patuloy na pagkilala na natatanggap ng Olongapo pagdating sa Peace and Order. Ito ang epekto ng magandang relasyon at pagkaka-isa ng City Government, Olongapo City Police Office at ng mga Olongpeño,’’ wika ni Mayor Gordon.

Sa ngayon ay muling naghahanda na ang Olongapo sa gagawing final evaluation ng National Selection Awards Committee ng Peace and Order Council bago matapos ang taong 2007. Dito ay muling makakaharap ng lungsod ang mga mahihigpit na katunggaling siyudad ng Bacolod at Naga para sa National Level.

Matatandaan na taong 2004 at 2005 ay Regional Awardee ang Olongapo sa POC award samantalang pumasok ito sa ikalimang pwesto (5th place) ng 2004 at ikalawang pwesto (2nd place) sa 2005 National Level ng Peace and Order Council Awards Competition.

Ang POC Awards ay isang prestiyosong kompetisyon na may layuning pumili ng mga lugar sa bansa na may konkretong programa at mahusay na pagpapatupad sa Peace and Order.

Ipinakita ni Mayor Bong Gordon ang Regional Award ng Olongapo sa ‘’2006 Best City Peace and Order Council’’ sa mga City Councilors, opisyales at kawani ng City Hall sa Flag Raising Ceremony nitong ika-16 ng Hulyo 2007.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012