Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, July 19, 2007

OLONGAPEÑO SA MT. EVEREST

Ipinag-malaki ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa Flag Raising Ceremony nitong ika-16 ng Hulyo 2007 ang isang Olongapeñong nagbigay karangalan sa bansa partikular na sa lungsod ng marating nito ang summit ng Mt. Everest noong ika-17 ng Mayo 2007.

Si Regie Pablo, 36 years old at tubong Olongapo ay ang ikapitong (7th) Pinoy na nakarating sa tuktok ng pinaka-mataas na bundok sa mundo at siya ring kaisa-isang Pinoy na kabilang sa 12-member Asian Trekking International Everest Expedition Team.

Kabilang si Pablo sa mga environmental organizations na Human Development International-Call to Save the Mountains of the World bilang Ambassador, Team Leader at Co-Organizer ng 1st Philippine Mt. Everest Expedition Team ng Mountaineering Federation of the Philippines, Inc. at Founder/President ng Globe Adventure CluB.

Kasama din siya sa Batangas Backpackers bilang Presidente ng Island Support and Sustainable Livelihood Alleviation Board of Trustee, Presidente ng Restoration and Development of Natural Resources Board of Trustee at Vice President ng Ayala Volunteer Corps.

‘’Patuloy nating bibigyan ng pagkilala ang mga Olongapeñong nagbibigay karangalan sa lungsod upang maging inspirasyon ng mga kabataan,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012