Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 17, 2007

SK AT BRGY. ELECTIONS SYNCHRONIZED REGISTRATION

Nanawagan si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa lahat ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo na maki-isa sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa ‘’Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Registration.’’

Ang panawagan ni Mayor Bong Gordon nitong ika-16 ng Hulyo 2007 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ay isang araw matapos buksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pintuan sa mga aplikante para sa nalalapit na halalang Pam-barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ika-29 ng Oktubre 2007.

Ang week-long registration, ika-15 hanggang ika-22 ng Hulyo 2007 sa tanggapan ng COMELEC-Olongapo na matatagpuan sa Right Wing ng City Hall ay dinadagsa na ng mga Barangay at SK applicants simula ika-8 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi.

Ang Barangay Registration ay para sa mga nasa edad labing-walong (18) taong gulang pataas samantalang ang Sangguniang Kabataan

Registration ay para sa mga nasa edad pagitan ng labing-lima (15) hanggang labing-pitong (17) taong gulang hanggang o bago sumapit ang ika-29 ng Oktubre. Kinakailangan rin na ang aplikante ay aktuwal na residente ng barangay mahigit-kumulang sa anim (6) na buwan sa takdang-araw ng halalan.

Bilang katibayan, ang Barangay at SK applicants ay kinakailangang magpri-sinta rin ng alin man sa kanyang certificate of live birth, baptismal certificate, school records o anumang talaan na magpapakita ng kanyang pagkakakilanlan.

Partikular na inatasan ni Mayor Gordon ang mga opisyales na magsagawa ng pag-iikot sa kanilang nasasakupan upang higit na hikayatin ang mga residente ng barangay na samantalahin ang registration para sa ‘’Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Election.’’

Pao/rem


Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012