2007 CENSUS OF POPULATION
Magbabahay-bahay ang mga kinatawan ng National Statistics Office (NSO) o Census enumerators upang magsagawa ng 2007 Census of Population (POPCEN) sa buong bansa na sisimulan sa ika-1 ng Agosto 2007. Simula 12:01 ng umaga sa naturang araw, lahat ng mga ipinanganak ay ibibilang na sa talaan.
Ang mga Census enumerators ay mangangalap ng population data sa pamamagitan ng house-to-house visits upang magsagawa ng personal interview sa household head o sinumang responsableng miembro ng tahanan .
Ang NSO na siyang pangunahing ahensiya ng gobyerno na magsasagawa ng POPCEN ay mangangalap ng ilang basic information buhat sa mga residente o indibidwal kabilang na ang kanilang edad (age), kasarian (sex), edukasyon (education) at ilan pang demographic characteristic.
Layunin ng POPCEN na itala ang bilang ng mga residente kasama na ang mga Filipinong nasa ibayong-dagat bilang overseas workers (OFW) at banyaga (foreigners) na nanatili na sa bansa o inaasahang mananatili ng mahigit sa isang taon (1 year) sa Pilipinas.
‘’Mahalaga na kumpleto at eksakto ang makukuhang detalye ng Census enumerators buhat sa mga respondents dahil ito ang magiging batayan ng pamahalaan sa mga kasalukuyang datos kaugnay sa bilang ng populasyon,’’ ayon kay Virgie Navarro, City Population Officer.
Ang datos rin na ito ang magiging batayan sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng isang lugar, pag-likha ng bagong local government units (LGUs) kung kinakailangan at upang patuloy na matugunan ng national at local government ang target beneficiaries nito pagdating sa basic social services.
Kaugnay nito ay nanawagan si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na makibahagi sa isasagawang POPCEN at tapat na ibigay ang mga detalyeng kinakailangan sa mga mag-iikot na NSO enumerators.
Buhat ng magsimula ang Census of Population noon pang 20th Century ay may labing-isang (11) censuses na ang isinagawa: 1903, 1918, 1939, 1948, 1960, 1970, 1975, 1980, 1990, 1995 at 2000.
Pao/rem

Labels: National Statistics Office, POPCEN, Virgie Navarro
1 Comments:
dapat kung maglalagfay kau ng information ksama kung ilang tao ung nasa populasyon
By Anonymous, at 6/17/2008 3:05 PM
Post a Comment
<< Home