DISASTER CONSCIOUSNESS MONTH SA GAPO, ISINAGAWA!
Sirena ng mga Fire Trucks sa isinagawang motorcade nitong ika-2 ng Hulyo 2007 ang naging hudyat ng pagsalubong ng Lungsod ng Olongapo sa National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo.
Muli namang nagsanib pwersa ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang City Government sa parada ng mga pamatay-sunog na behikulo na tumahak sa mga pangunahing lansangan ng Freeport at Olongapo na bitbit ang 2007 theme na ‘’SAFE KA BA? Programa Laban sa Kalamidad Tungo sa Pag-unlad’’.
Layunin ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) bilang lead agency sa pamamagitan ng mga sangay nito na magsagawa ng taunang selebrasyon upang pukawin ang interes at kaisipan ng mamamayan sa kahalagahan ng paghahanda sa lahat ng sakunang hinde inaasahan na maaaring dumating sa hinaharap.
Samantala, dahil sa maayos at sestimatikong pagresponde ay finalist ngayon sa ‘’2007 Gawad Kalasag’’ ang Olongapo sa dalawang kategorya kabilang na ang Olongapo City Fire Rescue Team para sa Best Government Emergency Responders (GOERS) at ang Best City Disaster Coordinating Council (CDCC) na kung saan makakatapat nito ang mga key cities na Makati at Dagupan sa Pangasinan.
Kung sakaling mapipili sa ikatlong pagkakataon ang lungsod sa kompetisyon ay pasok na ito sa ‘’Gawad Kalasag Hall of Fame’’.
Pao/rem

Labels: Hulyo, National Disaster Consciousness, sbma
0 Comments:
Post a Comment
<< Home