EXTENDED VOTERS REGISTRATION
Pina-aalam ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa lahat ng mga residente ng Olongapo na nagbigay ng isang linggong extension ang Commission on Elections (COMELEC) para sa mga SK at Brgy. Registrants.
Ang mga hindi nakapagpa-rehistro lamang noong ika-15 hanggang ika-22 ng Hulyo 2007 ang maaaring makapagpa-rehistro sa ‘’Extended Voters Registration’’ na sinimulan noong ika-24 hanggang ika-31 ng Hulyo 2007.
Maaaring tumungo ang mga voters registrants sa COMELEC Office na matatagpuan sa Right Wing ng City Hall, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi samantalang alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa ika-28 at 29 ng Hulyo 2007, araw ng Sabado at Linggo.
Ang Barangay Registration ay para sa mga nasa edad labing-walong (18) taong gulang pataas samantalang ang Sangguniang Kabataan (SK) Registration ay para sa mga nasa edad mula labing-lima (15) hanggang labing-pitong (17) taong gulang hanggang o bago sumapit ang ika-29 ng Oktubre.
Kinakailangan rin na ang aplikante ay aktuwal na residente ng barangay mahigit-kumulang sa anim (6) na buwan sa takdang-araw ng halalan.
Upang maiwasan ang pagka-antala ng Barangay at SK applicants ay kinakailangang magpri-sinta rin ito ng kaniyang certificate of live birth, baptismal certificate, school records o anumang talaan na magpapakita ng kanyang pagkakakilanlan.
Ang mga kasama sa talaan ng COMELEC bilang voters registrants ay maaaring maka-boto para sa Pam-barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ika-29 ng Oktubre 2007.

Si Mayor Bong Gordon sa lobby ng COMELEC office habang naghahatid-mensahe sa mga voters registrants na panatilihin ang maayos na pila upang mas mabilis na makapagpa-rehistro bilang paghahanda sa gaganaping SK at Barangay Elections sa ika-29 ng Oktubre 2007.
Pao/rem
Labels: comelec, isang linggong extension, SK at Brgy. Registrants.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home