Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, July 26, 2007

LIONS CLUB AT CITY GOVERNMENT SA CATARACT OPERATION

Paningin ang bigay sa maraming indibidwal na mapapabilang sa ‘’Cataract Operation’’ ng Olongapo City Peninsula Lion’s Club at sa pakikipag-tulungan ng Olongapo Government sa pangunguna ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Ang Free Cataract Operation na nakatakdang isagawa sa buwan ng Agosto 2007 sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ay pangungunahan ng mga batikang eye specialists at surgeons kasama ang auxiliary staff nito buhat pa sa mga pagamutan sa ka-Maynilaan.

Tinawag na ‘’Sight First Project’’ ang operasyon na ayon sa coordinator nito na si Linda Lim ng Lions Club, International ay dalawang (2) beses sa isang taon nagsasagawa ang organisasyon ng naturang programa.

Kaugnay nito ay nananawagan ang City Peninsula Lion’s Club at ang City Government sa lahat ng mga Cataract victims na tumungo sa James L. Gordon Memorial Hospital Conference Room sa darating na ika-31 ng Hulyo 2007 simula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para sa Cataract screening.

Sasa-ilalim sa matinding proseso ng screening ang mga pasyente sa pamamagitan ng mga spesialistang doctor upang matiyak na ang mga ito ay walang anumang problemang medical.

Target ng ‘’Sight First Project’’ na mapabilang sa operasyon ay ang mga indigent o mahihirap na residente ng Olongapo samantalang bukas rin ito sa mga pasyente ng Zambales, Bataan, Pampanga at Pangasinan.


Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012