Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 24, 2007

‘’BENIPISYO NG EHERSISYO’’

Hinikayat ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo na ugaliin ang pag-eehersisyo.

Ang panawagan ni Mayor Bong Gordon ay may kaugnayan sa isinasagawang ‘’Routine Exercise’’ tuwing araw ng Lunes matapos ang Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center bilang hudyat ng pagsisimula ng working week sa mga taga-gobyerno.

Dito ay binanggit ng punong-lungsod ang mga benipisyong hatid ng pag-eehersisyo sa katawan, kaisipan at kabuuan ng indibidwal. ‘’Kailangan ay tumulong kayong ipaalam sa mga residente ng Olongapo ang kahalagahan ng exercise. Dahil ang may malusog na mamamayan ay may malusog na pamayanan,’’ wika ni Mayor Gordon.

Isa-isang binanggit ng ‘’health buff’’ na punong-lungsod ang mga Health Benefits ng Physical Exercise at Physical Activity kabilang na ang mga sumusunod:

· Pagbaba sa posibilidad ng maagang kamatayan bunga ng ibat-ibang sakit at komplikasyon;
· Pagbaba sa posibilidad ng pagkakaroon ng heart disease;
· Pagbaba sa posibilidad ng pagkakaroon ng high blood pressure;
· Pagbaba sa posibiladad ng pagkakaroon ng mataas na cholesterol;
· Pagbaba sa posibilidad ng pagkakaroon ng colon cancer at breast cancer
· Pagbaba sa posibilidad ng pagkakaroon ng diabetes;
· Pagbaba o pagpapanatili ng tamang timbang;
· Pagkakaroon at pagpapanatili ng malusog na kalamnan, buto at kasu-kasuan;
· Pag-bibigay ng malusog na kaisipan;

Samantala, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto kinakailangan ang dalawampu (20) hanggang tatlumpong (30) minutong aerobic exercise o kaya’y muscle strengthening activity at stretching ng tatlo (3) o higit pang beses sa isang linggo.

‘’Exercise builds new memory cells,’’ pagwawakas pa ni Mayor Gordon.

Si Mayor Bong Gordon kasama ang mga kawani ng City Government habang nagsasagawa ‘’Routine Exercise’’ sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012