Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 24, 2007

DIFFERERENTLY-ABLED NG ‘GAPO SUPORTADO NI MAYOR GORDON

Matagumpay na nagtapos ang isang linggong selebrasyon ng 29th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa Lungsod ng Olongapo na may temang ‘’Kapag May Access, May Success’’.

Sa pamamagitan ng Sports and Dance Competition nitong ika-21 ng Hulyo 2007 ay nagpakita ng talento at galing ang mga may kapansanan o differently-abled persons sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center sa pangunguna ng Olongapo City Persons with Disability Association, Inc. (OCPWDA) na nasa ilalim naman ng patnubay ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang pangunahing panauhin sa closing ceremony at personal na bumati at nag-abot ng medalya sa mga nangibabaw na Persons with Disability (PWD) sa mga sumusunod na kompetisyon:

SPORTS AND DANCE COMPETITION WINNERS:

BOTTLE RELAY CALAMANSI RELAY
1. Christina Tala 1. Richard Nasak
2. Joben Mark Detubio 2. Angelico Elico
3. Reinalyn Favor 3. M.J. Mangubat
4. Janele Bautista 4. Adonis Dimalanta
5. Jasmin Ariola 5. Neslyn Anas
6. Elmer Caellar

WALKATON BASKETBALL
1.Raymind Bita –OCNHS 1. PWDA
2.Donabelle Flores-OCNHS 2. Columban College
3.Ana Rowena Tobias-OCNHS 3. Nino’s Pag-asa Center


TABLE TENNIS (Single) TABLE TENNIS (Double)
1. PWDA 1. Columban College
2. Columban College 2. Nino’s Pag-asa Center
3. St. Joseph Centennial 3. PWDA

BADMINTON (Boys) BADMINTO (Girls)
1.Christopher Ayson 1. Ludylisa David
2.Alden Dacayo 2. Susan Medina
3.Allen Gacad 3. Manilyn Rivera

DRAWING & PAINTING DRAWING & PAINTING-
(Autism) (Hearing Impaired-OSY)
1.Raymond Bita 1. Larry Bustillo
2.Klarenz Quinonez 2. Mary Ann Urbina


DRAWING & PAINTING INTERPRETATIVE DANCE
(Hearing Impaired-ISY) 1. Columban College
1.Erwin James Estabayo 2. Sinag-Kalalake
2.Anthony Elbo 3. Nino’s Pag-asa Center

Maliban sa kompetisyon ay napuno rin ng kaalaman ang selebrasyon na may kaugnayan sa livelihood at health trainings, welfare orientation partikular na ang RA 7277 o ang ‘’Magna Carta for Persons with Disabilities’’ nitong ika-17 hanggang 20 ng Hulyo 2007 sa Olongapo City Convention Center (OCCC).

Layunin ng selebrasyon na pagbuklurin ang mga differently-abled persons ng lungsod, i-angat ang kalidad ng pamumuhay, bigyan ng positibong pag-tingin sa sarili bagamat may kapansanan at ipaalam ang kanilang karapatan sa batas.

Pinasalamatan rin ng OCPWDA sa pamamagitan ng Pangulo nito na si Susan Medina si Mayor Bong Gordon bunga ng malinaw at konkretong programa ng pamahalaan para sa mga differently-abled ng lungsod.


Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay-pugay sa mga Persons with Disabilities (PWD) ng lungsod sa selebrasyon ng 29th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, Sports Fest Competition sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. Nasa larawan rin si City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Head Gene Eclarino.


Pao/rem

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012