PMMA ANNUAL ENTRANCE EXAMINATION
Sa ngalan ng pamunuan ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ay nanawagan si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga kabataang Olongapeño na nais makapag-aral o makapag-patuloy ng karera sa larangan ng maritime.
Ang imbitasyon ay ipinarating ni Mayor Bong Gordon sa mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo nitong ika-23 ng Hulyo 2007 kasunod ng Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
‘’Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikante ang Philippine Merchant Marine Academy para sa nalalapit na PMMA Annual Entrance Examination, sana ay samantalahin ito ng mga kabataan ng lungsod dahil isang magandang pagkakataon ang mapabilang sa premier government maritime institution ng bansa,’’ wika ni Mayor Gordon.
Ang PMMA students kasama na ang mga qualified incoming students nito ay maituturing na ‘’Scholars ng Bayan’’ kung saan lahat ng kanilang gastusin sa paaralan ay subsidized ng pamahalaan.
Kabilang sa mga benipisyo bilang government scholars ay free tuition fee, free board and lodging at katiyakan ng shipboard training sa international vessels pagtapak ng PMMA students sa ikatlong taon (3rd year) nito sa pag-aaral.
Kabilang sa mga sumusunod ang mga Qualification Requirements:
Lalake o babae na may malusog na pangangatawan, Filipino citizen;
Single, hindi pa ikinasal, at walang anak;Walang anumang kasong pinaratangan o nahatulan sa kahit na anong krimen na labag sa batas; Labing-pitong taong gulang (17 years old) at hindi hihigit sa dalawamput-dalawang taong gulang (22 years old) sa buwan ng Hunyo 2008; Nakapagtapos ng high school at kwalipikadong makapag-enroll sa apat na taong kurso (4 year course). Maaari rin ang mga estudyante na kabilang sa April 2008 graduating class;
Sukat at timbang para sa mga kalalakihan:
Height-162.5 centimeters (5 ft. & 4 in.)
Weight-55 kgs. (120 lbs.)
Sukat at timbang para sa mga kababaihan:
Height-157.5 centimeters (5ft. & 2 in.)
Weight-50 kgs. (110 lbs.)
May average academic performance at nakakuha na ng Trigonometry subject sa high school;
Hindi pa kailan man nakakapag-enroll sa PMMA.
Kabilang sa sumusunod ang mga Filing Requirements:
Ang application form ay kinakailangang naglalaman ng mga sumusunod:
1.Apat (4) na kopya ng 2x2 pictures na
may nameplate, front view (white background);
2.Examination fee na Three Hundred Pesos(P300.00);
3.Certified true copy of Birth Certificate buhat sa Civil Registrar;
4.Dalawang piraso (2 pcs) na self-addressed long white mailing envelopes na naglalaman ng stamps.
Lahat ng application forms ay maaaring makuha sa mga sumusunod na tanggapan:
PMMA, San Narciso, Zambales
PMMA Graduate School, Fair Bldg. 2079 Madre Ignacia, Malate Manila
DECS Regional and Division Offices.
Ang kompletong application forms ay maaaring ipadala sa Committee on Admissions, Philippine Merchant Marine Academy, San Narciso, Zambales o kaya’y tumawag sa (047) 913-2239 para sa karagdagang impormasyon.
Deadline ng pagpapasa ng application form ay bago o hanggang sumapit ang ika-31 ng Oktubre 2007 lamang. Ang PMMA Entrance Examination ay nakatakdang isagawa sa ika-24 ng Nobyembre 2007 sa lahat ng mga Testing Centers sa buong-bansa at sa Zambales at Olongapo, ito ay gaganapin sa PMMA Complex, San Narciso, Zambales.

Ang mga kadete ng Philippine Merchant Marine Academy sa isang turn-over ceremony sa PMMA Complex, San Narciso, Zambales.
Labels: Annual Entrance Examination, mayor gordon, PMMA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home