BONGGO, MAG-IINSPECTION SA CITY HALL
Ipinag-utos ni Olongapo City Mayor Bong Gordon na magsagawa ng masinsinang ‘’inspection’’ sa loob at paligid ng Olongapo City Hall upang maiwasan ang posibilidad na magkaroon ng sunog sa anumang bahagi ng gusali.
Ito’y bukod pa sa regular na ginagawa nang ‘’fire safety inspections’’ sa City Hall.
Matatandaan na natupok ang Muntinlupa City Hall kasama ang mga opisyal at mahahalagang dokumento nito at mga kagamitang pang-opisina na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso sa sunog na tumagal ng humigit-kumulang apat na oras noong ika-3 ng Agosto 2007.
‘’Let us learn from the lessons of the past because our City Hall is not exempted from any tragedy like what happened in Muntinlupa City,’’ wika ni Mayor Gordon.
Partikular na binanggit ni Mayor Gordon ang mga tanggapan ng Treasury at Assessor na nararapat bigyang-pansin sa kadahilanang ang mga tanggapang ito ay nag-iingat ng mga mahahalagang dokumento hindi lamang ng pamahalaang panlungsod kundi pati na ng mga pribadong mamamayan ng lungsod.
‘’The documents are most important, hindi bale nang masunog ang pera, huwag lang ang mga dokumento,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Pao/jms

Labels: ‘’fire safety inspections’’, City Hall., ika-3 ng Agosto 2007.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home