City Gov’t Supports ECCD Investment Plan
Bilang pagsuporta sa RA 8980 on Early Childhood Care and Development (ECCD), pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang ordinansang maglalaan ng kaukulang budget para sa ECCD Investment Plan sa panukala ni Kgd. Bebeth Marzan, nitong Hulyo 25, 2007 sa kanilang regular na sesyon.
Ayon sa nabanggit na batas, ang mga Local Government Units (LGU) ay mayroong responsibilidad na siguraduhin ang walang patid na kampanya para sa mga proyektong pangkabataan at suporta sa mga programang tutugon sa kapakanan nito. Kaya’t bilang beneficiary ng ECCD expansion program, nagtalaga ang Pamahalaan Panlungsod ng Olongapo ng pondo para sa Council for the Welfare of Children (CWC).
Bahagi rin ng RA 8980 ang pagtatalaga ng counterpart funds ng mga LGU para sa mga pagsasanay at pagsusulong ng edukasyon ng mga bata na tinugunan naman ng City government sa pamamagitan ng pag-aappropriate ng tatlong milyong piso (P3, 000, 000) sakop ang mga taong 2007–2009, isang milyon (P1, 000, 000) na budget sa bawat taon.
Samantala, sa pagkilala ni Mayor “Bong” Gordon sa batas para sa ECCD, nilagdaan ng punong-lungsod ang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalaman ng higit na komprehensibong mga programa na marapat ipatupad para sa pag-aangat ng mga karapatan, pangangailangan at proteksyon ng mga bata. Kaugnay nito ang pagtatalaga ng kaukulang pondo para sa mga gawain at proyektong tutupad sa naturang batas.
Sa pagkakapasa ng ordinansang sumusoporta sa ECCD Investment Plan, inaasahan na lalo pang mapa-iigting ang mga programang pangkabataan ng Olongapo.
pao/jpb

Labels: CWC, ECCD, Local Government Units
0 Comments:
Post a Comment
<< Home