OPLAN SAGIP-MATA, HATID NG OAP
Magsasagawa ang Optometric Association of the Philippines (OAP)-Olongapo Chapter ng Oplan Sagip-Mata Project na gaganapin sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center sa ika-22 hanggang 23 ng Agosto 2007.
Sa koordinasyon ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa OAP, inihahandog sa mga Olongapeño ang dalawang araw na proyektong libreng pagpapasuri ng mata.
Dadaluhan ng mga kasapi ng OAP-Olongapo Chapter ang nasabing proyekto na silang maghahatid ng libreng eye check up at mga tips para sa wastong pag-aalaga ng mata at paningin.
Inaanyayahan ang mga nais na mag-avail o makinabang sa serbisyong handog ng OAP na dumalo lamang sa Sagip-Mata Project sa mga scheduled dates.
Ang OAP ay isang matatag na organisasyon na may ilang dekada nang nangangalaga ng paningin ng milyong Pilipino mula pa 1948. Mayroon itong 50 affiliate societies sa buong bansa.
PAO/jpb

Labels: Optometric Association of the Philippines, Sagip-Mata Project
1 Comments:
Why there is nothing like that in Pasig?
By Anonymous, at 2/24/2010 6:00 PM
Post a Comment
<< Home