Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 07, 2007

PABLO, KINILALA NG OLONGAPO CITY COUNCIL

Personal na iniabot ni Mayor Bong Gordon sampo ng mga City Councilors kay Reggie Pablo sa ‘’flag ceremony’’ na ginanap sa Rizal Triangle noong ika-6 ng Agosto 2007 ang komendasyon na ipinasa ng buong konseho sa pamamagitan ng Resolution # 90, series of 2007.

Pinaparangalan ng komendasyong ito ang kahanga-hangang kakayanan ni Reggie Pablo na akyatin ang tuktok ng Mt. Everest na siyang pinakamataas na kabundukan sa buong daigdig at ipagsigawang, ‘’kung kaya ng iba ay kaya rin ng Olongapeño.’’

Buong galak na tinanggap ni Pablo at ng kanyang buong pamilya ang nasabing komendasyon.

‘’Wala ng hihigit pa sa pagkilalang mula sa mga kapwa ko taga-Olongapo,’’ wika ni Pablo.

Matapos tanggapin ang komendasyon ay ikinuwento ni Pablo ang kanyang naging karanasan sa pag-akyat at pagtungtong sa ‘’summit’’ ng Mt. Everest.

Ayon sa kanya ay kinailangan niyang labanan ang matinding lamig at tiisin ang anumang hirap para lamang patunayang hindi magpapahuli ang mga Olongapeño.

Si Reggie Pablo, tatlumpo’t anim (36) na taong gulang na kaisa-isang Pinoy na kabilang sa 12-member Asian Trekking International Everest Expedition Team ay ikapito (7th) sa mga Filipino na nakarating sa tuktok ng Everest.


Pao/jms

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012