PAGBABALANGKAS NG ORDINANSA SA ‘GARAGE REQUIREMENT,’ INATAS SA ‘CITY COUNCIL’
Sa ‘’flag ceremony’’ na naganap sa Rizal Triangle Covered Court noong ika-6 ng Agosto 2007 ay inatasan ni Mayor Bong Gordon ang mga miembro ng Olongapo City Sangguniang Panlungsod na magpasa ng ordinansa ukol sa pagtatalaga ng ‘’garage requirement’’ sa ‘’application’’ ng ‘’building permit’’ ng mga nagnanais magpatayo ng anumang istruktura sa lungsod, ‘’residential’’ man o ‘’commercial.’’
‘’Each buildings and houses should have a garage in the future,’’ wika ni Mayor Gordon.
Ninanais rin ni Mayor Gordon na pag-aralan ng mga miembro ng Sangguniang Panlungsod kung papaano maaaring gawing ‘’requirement’’ ang paglalagay ng garahe maging sa mga naipatayo nang gusali o tahanan bago pa man maisakatuparan ang ‘’proposed ordinance.’’
Layon nito na mabawasan ang suliranin sa trapiko ng lungsod na ang isa sa mga sanhi ay mga sasakyang nakaparada sa mga pampublikong lansangan.
Pao/jms

Labels: application, building permit, garage requirement
0 Comments:
Post a Comment
<< Home